Paggamit ng rental vehicles ng OPAPP, walang iregularidad ayon sa Malacañang

by Radyo La Verdad | December 23, 2015 (Wednesday) | 3584

JERICO_COLOMA
Walang iregularidad sa paggamit ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP ng mga rental vehicle para gumawa ng official functions ang mga ito.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ipinahayag aniya ng OPAPP na sumunod ito sa rekomendasyon ng Commission on Audit o COA kaugnay ng lease of vehicles.

Ayon umano sa OPAPP, nagamit ito sa monitoring ng implementasyon ng iba’t ibang proyekto kabilang ang P7.2B na Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA Program sa 48 na probinsiya sa buong bansa.

Nagsumite na din aniya ito ng ulat sa COA noong January 13, 2015 kaugnay ng kalagayan ng P662M projects na sinsabing unliquidated ng COA.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,