Paggamit ng nuclear energy sa Pilipinas bilang power source, kailangan pang pag-aralan-Pres. Duterte

by Radyo La Verdad | November 2, 2016 (Wednesday) | 1555

ROSALIE_DUTERTE
Ang paggamit ng nuclear energy ang nakikita ng ilan na solusyon sa problema sa suplay ng kuryente sa bansa.

Nito lamang nakaraang Setyembre, binisita ng ilang mambabatas ang Bataan Nuclear Power Plant upang malaman kung maaari pa itong magamit o kailangang magpagawa ng ibang Nuclear Power Plant.

Ngunit kung si Pangulong Rodrigo Duterte ang tatanungin, hindi pa napapanahon ang paggamit ng nuclear energy ng bansa.

Ayon sa pangulo, kailangan munang pag-aralang mabuti ng pamahalaan kung paano malalagyan ng safeguards ang paggamit ng nuclear power plant.

Una na ring nagpahayag ng pangamba ang grupong Philippine Movement for Climate Justice sa planong pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant.

Para sa grupo, dapat iukol na lamang sa pagpapagawa ng renewable power plants ang salaping ilalaan para sa BNPP dahil mas ligtas at mas malinis ito.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: ,