Paggamit ng mga lumang PCOS machines, hindi pinaboran ng Suffrage and Electoral Reforms Committee ng Lower House

by Radyo La Verdad | June 22, 2015 (Monday) | 1489

REP FREDELIN CASTRO
Sa dalawang opsyon na pinagpipilian sa ngayon ng Commission on Elections kung paano magagawang automated pa rin ang halalan sa susunod na taon, mas pinapaboran ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang paggamit ng mga bagong makina.

Sa ngayon ay pinag-aaralan ng Poll body kung kukuha ng mga bagong OMR Machine o irerefurbish na lamang ang mga PCOS machine na ginamit sa 2 nakalipas na automated elections.

Nagsasagawa na ng parallel bidding ang Comelec para sa 2 opsyon.

Ayon kay Committee Chairman at Capiz 2nd District Representative Fredenil Castro, hindi sang-ayon ang komite na gamitin pang muli ang mga lumang PCOS machine.

Magpapatawag ng pagdinig ang kaniyang komite upang pagpaliwanagin ang Comelec kung bakit ikinukonsidera pa rin nito ang paggamit sa lumang mga makina.

Tags: