Paggamit ng daga bilang sniffing animal, pinagaaralan sa Russia

by Radyo La Verdad | December 9, 2015 (Wednesday) | 1544
Scientists sa Southern Russia(REUTERS)
Scientists sa Southern Russia(REUTERS)

Pinagaaralan na ng mga scientists sa Southern Russia kung gaano ka-sensitibo ang sense of smell ng isang daga.

Inaalam ng mga scientist kung pwedeng ma-train tulad ng aso ang daga para ma-detect ang isang pampasabog o mga taong nakulong sa isang building.

Sa pamamagitan ng mga electrodes na nakakabit sa utak ng isang daga nababatid ng mga scientists kung gaano ka-advance ang kanilang pang-amoy.

Hindi tulad ng aso, kaya ng daga na sumuot sa pinakamaliit na siwang o crack at butas.

Isa rin sa nakatawag ng pansin ng mga scientist ay nagagawa ng daga na madetermina ang kaibahan ng iba’t ibang uri ng tea leaves.

Tags: , ,