Paggamit ng ATM card bilang collateral sa pangungutang, pinag-aaralan nang ipagbawal ng BSP

by Radyo La Verdad | March 20, 2018 (Tuesday) | 6696

Naalarma ang Senate committee on banks, institutions and financial currencies sa dumadaming bilang ng mga nahahalina sa sistemang ATM sangla.

Batay sa isang consumer finance survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong nakaraang linggo, halos kalahati o 40 porsyento ng mga Pilipino ang gumagamit nito sa pangungutang.

Sa paraang ito, ang ATM card ng mismo ang ginagawang collateral upang makahiram ng pera.

Sa pagdinig ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies sa isyu kahapon, inalam ni Sen. Francis Escudero sa BSP kung ipinagbabawal ba ang naturang sistema.

Ayon sa BSP, ikinokonsiderang pag-aari ng bangko ang isang ATM card at ang kanilang kliyente lamang ang dapat na nakakaalam ng personal identification number.

Hindi umano ito bawal ayon sa batas, ngunit aminado ang BSP na delikado ang pagsasanla ng ATM.

Batay sa comprehensive circular on credit worthiness ng BSP, mas hinigpitan ang regulasyon sa pag-utang ng pera upang maprotektahan ang mga creditor sa mga abusadong lenders.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,