Inatasan ng Korte Suprema ang Philippine National Police na imbestigahan ang pagdukot kay James Balao, isang miyembro ng Cordillera People’s Alliance, noong September 2008 sa La Trinidad, Benguet.
Partikular na pinaiimbestigahan ng korte ang anggulong mga kasamahan din ni Balao ang nasa likod ng pagdukot sa kanya, batay sa testimonya ng isang Bryan Gonzales.
Binibigyan ng mataas na hukuman ng anim na buwan ang PNP upang tapusin ang kanilang imbestigasyon.
Si Balao ang subject ng writ of amparo na ipinalabas ng La Trinidad Benguet Regional Trial Court Branch 63 kina dating Pangulong Gloria Arroyo at Armed Forces of the Philippines.
(UNTV RADIO)
Tags: James Balao