Pagdinig sa West Philippine Sea Issue, tinapos na; sagot ng Pilipinas sa ilang katanungan ng Arbitral Court pinasusumite

by Radyo La Verdad | July 14, 2015 (Tuesday) | 2715

WPS
Natapos na ang ikalawang round ng paglalatag ng Pilipinas ng argumento sa Arbitral Tribunal sa The Hague kaugnay ng West Philippine Sea Issue

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, natapos ang 2nd round ng oral arguments kahapon sa pagsagot ng Pilipinas sa ilang katanungan at paglilinaw mula sa tribunal.

Si Solicitor General Florin Hilbay ang nag-deliver ng closing statement.

Dagdag pa ni Valte, hinihingan ang Pilipinas ng written response ng tribunal hanggang July 23, kaugnay sa mga katanungan ng mga miyembro ng International Tribunal.

Wala pang pormal na pahayag ang Malakanyang kung kailan posibleng ilabas ang desisyon ng Arbitral Tribunal kaugnay ng jurisdiction issue sa West Philippine Seas.

Ngunit naniniwala ang Malakanyang na papabor sa Pilipinas ang magiging ruling ng Arbitral Court.

Ang unang round ng oral arguments ay isinagawa noong July 7 hanggang 8 kung saan ipinirisinta ng Pilipinas ang argumento nito tungkol sa kahalagahan ng petisyon hindi lamang sa ating rehiyon kundi sa buong mundo at ang mga dahilan kung bakit sakop ng hurisdiksyon ng tribunal ang West Philippine Sea issue.

Tags: ,