Pagdinig sa P5 fare hike petition, hindi muna itutuloy ng LTFRB dahil taas-babang presyo ng petrolyo

by Radyo La Verdad | November 17, 2023 (Friday) | 4039

METRO MANILA – Hindi muna magpapatawag ng hearing para sa isinusulong na fare increase ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III.

Ang tinutukoy na fare increase ay ang P5 fare hike petition na isinumite ng 3 transport group noong Agosto.

Ayon kay Chairman Guadiz, hihintayin ng ahensya hanggang Disyembre na ma-stabilize ang taas, babang presyo ng langis bago mag-set ng hearing.

Dagdag ni guadiz, kung magtatakda ng hearing ngayon at pagkatapos ay tataas at bababa muli ang halaga ng langis ay hindi nila matutugunan kung magkano talaga ang dapat itaas sa pamasahe.

Sinabi din ni Guadiz na planong ipagpatuloy ng LTFRB ang public hearing sa proposed fare hike sa Disyembre at bumuo ng resolusyon pagkatapos ng 1 buwan.


Tags: ,