Unang sumalang sa pagdinig ng House Committee on Appropriation ang mga ahensyang bahagi ng Development Budget Coordinating Committee o DBCC.
Ito ay binubuo ng Department of Budget and Management, Department of Finance, National Economic Development Authority at Banko Sentral ng Pilipinas.
Ayon naman kay Finance Secretary Cesar Purisima pataas ng pataas ang Revenue Collection ng bansa.
Aniya sa unang 6 na buwan pa lamang ng taon ay umabot na sa magihit P1-trillion ang total revenue ng bansa.
Kumpara sa P933 billion collection sa magkaparehong buwan noong 2014.
At unang 6 na buwan din ng taong 2015 nakakolekta na ang P52.5 billion ang bansa mula sa Sin Tax.
Ipineresenta naman ni Budget Secretary Butch Abad ang overview ng P3.002 trillon, 2016 Proposed National Budget.
Ito ay 95% na mataas kumpara sa 2010 budget ng Aquino Administration na P1.54 trillion.
10 mga ahensyang may pinakamalaking proposed budget sa susunod na taon ay ang DepEd, DPWH, DND, DILG, DOH, DSWD, DA, DOF, DOTC AT DENR.
Kabilang naman sa mga lump sum funds sa 2016 proposed budget ay ang P93 billion National Disaster Risk Reduction and Management Fund, P4 billion contingency fund at P50 billion allocations to Local Government Units o LGU.
Ayon naman sa Makabayan Bloc hindi lahat ng lump sum funds ay idinetalte sa 2016 proposed budget.
Nakatakda daw nila itong busisiin sa mga darating pang pagdinig.
Tiniyak naman ng Malakanyang na transparent at maayos ang aloksyon ng budget para sa susunod na taon. (Grace Casin / UNTV News)