Sisimulan na ng Sandiganbayan ang pagdinig sa kasong graft ni dating Metro Rail Transit o MRT Line 3 General Manager Al Vitangcol III.
Ito ay kasunod ng hindi pagpabor ng graft court sa inihaing mosyon ni Vitangcol kaugnay sa umano’y pangingikil sa Czech train supplier noong 2012.
Ayon sa korte, nakasaad sa Republic Act Number 3019 o ang anti-graft law ang pagpapataw ng parusa sa mga mapatutunayang sangkot sa extortion.
Hindi rin kinatigan ng Sandiganbayan ang argumento ng dating MRT General Manager na walang hurisdiksyon ang graft court sa kanyang kaso at sa halip ay sa Regional Trial Court ito nararapat dinggin.
Samantala itinakda ang arraignment ni Vitangcol sa March 16.
Tags: Pagdinig sa graft case ni former MRT GM Vitangcol, sisimulan na ng Sandiganbayan