Pagdinig ng The Hague Permanent Court of Arbitration sa merito ng kaso ng Pilipinas laban sa China, nagsimula na

by Radyo La Verdad | November 24, 2015 (Tuesday) | 3967

HTE-HUGUE
Nagsimula na ngayong martes ang pagdinig ng The Hague Permanent Court of Arbitration sa kasong inihain ng Pilipinas laban sa China.

Kaugnay ng West Philippine Sea territorial dispute.

Kabilang sa delegasyon na pumunta sa The Hague Netherlands ay sina Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, ang Chairman ng Congressional Committee on National Defense and Security na si Congressman Rodolfo Biazon, Associate Justice Francis Jardaleza , Solicitor General Florin Hilbay, Political Affairs Secretary Ronald Llamas, Security Cluster Executive Director Emmanuel Bautista at Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Labinlimang usapin ang ilalatag ng bansa sa Arbitral Court hanggang November 30, sa pangunguna ng legal counsel ng Pilipinas na si Paul Reichler.

Kabilang na rito ang reclamation activity ng China o paggawa ng artificial islands sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.

Ngunit pito muna ang kailangang maresolba ng Permanent Court of Arbitration, kabilang na ang isyu ng maritime entitlements ng
Scarborough Shoal, Mischief Reef, Second Thomas Shoal, Sub Reef, Gaven Reef, Mac Kennan Reef at iba pa. ( Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: , ,