Pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa $86-million money laundering activity, ipagpapatuloy

by Radyo La Verdad | May 19, 2016 (Thursday) | 3858

SENATE-HEARING
Ngayong araw ang ika-anim at posibleng huling pagdinig ng Senado sa kontrobersyal na 86-million US dollars money laundering activity bago gumawa ng pinal na ulat at rekomendasyon para sa 17th congress ang Blue Ribbon Committee kaugnay ng isyu.

Noong nakalipas na pagdinig April 19, ipinahayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chair at Outgoing Senator Teofisto Guingona The Third na parating may kontra-kontrang pahayag ang mga pangunahing isinasangkot sa pinakamalaking money-laundering sa kasaysayan ng banking industry sa bansa.

Partikular na rito ang delivery ng milyong pisong halaga ng salapi at dolyar sa bahay ng mga executives ng remittance company ng Philrem.

Kabilang sa mga iniimbestigahan ng Senado sina dating RCBC Jupiter Branch Manager Maia Deguito, Junket Operator Kam Sin Wong at ang mga Philrem executive na sina Salud at Mark Bautista.

Ngayong araw, inaasahang isasalang ang accountant ng Philrem na una nang iniulat na nagresign na umano.

Pinapatawag ng senado ang accountant upang imbestigahan ang tax na binabayad ng kumpanya lalo na’t una nang ipinahayag na hindi ito nagbabayad ng tamang buwis.

Inaakusahan din ang Philrem sa unaccountable na 17-million US dollars.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: ,