Pagdinig ng senado sa umano’y mga kaso ng EJK, dapat ituloy ayon kay Sen. De Lima

by Radyo La Verdad | October 19, 2016 (Wednesday) | 1476

aiko_de-lima
Premature pa ang magiging konklusyon ng Senate Committee on Justice and Human Rights kung tuluyan nang isasara ni Committee Chair Richard Gordon ang pagdinig sa umano’y mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa.

Ayon kay Sen.Leila de Lima, maaaring kausapin niya si Sen.Gordon upang muling buksan ang pagdinig ng komite.

Ayon sa senadora, naging mabilis ang konklusyon na walang kinalaman ang pangulo o ang gobyerno sa mga kaliwat kanang pagpatay.

Sumasang-ayon naman si Committee Vice Chair Sen.Panfilo Lacson, na wala pang matibay na ebidensya patungkol sa Davao Death Squad at sa mga maaaring pananagutan ni Pres. Rodrigo Duterte sa umano’y mgakaso ng extrajudicial killings.

Aniya, maliban sa maraming inconsistencies ang testimonya ni Edgar Matobato, wala ring ibang pruweba na magpapatunay sa kanyang mga sinasabi.

Gayunman,bukas si Sen.Lacson na ipagpatuloy ang pagdinig kung may bagong ebidensya o testigo na ihaharap sa kanila.

Sang-ayon din si Sen.Lacson na kasuhan si Matobato ng perjury, ngunit hindi ng murder.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: ,