Tuloy-tuloy ang opensiba ng militar upang tugisin ang mga bandidong Abu Sayyaf.
Ito ang binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines sa ginagawa nitong operasyon laban sa ASG.
Pangunahin layunin nito ay maneutralize ang mga high value targets na sina Isnilon Hapilon at Furuji Indama na kilalang mga lider ng grupo.
Ginawa ng AFP ang pahayag matapos na mapabalitang pagdeklara umano nito ng ceasefire.
Ayon kay Major Felimon Tan Jr., ang tagapagsalita ng AFP Western Mindano Command walang ipinalabas na marching order ang AFP headquarters na magpatupad ng tigil putukan.
Pinaatras na rin ang tropa ng Moro Islamic Liberation Front malayo sa lugar ngayon ay sentro ng operasyon upang maiwasan ang posibleng misencounter.
Naniniwala ang AFP na maliit lamang na ginagalawang lugar ngayon ng Abu Sayyaf kaya naman dapat ipagpapatuloy ang pagtugis sa kanila.
Kapag nakuha aniya ang mga nangunguna sa grupo malaki ang posibilidad na tuluyan na silang mabuwag at matuldukan ang problema na dulot karahasang ginagawa ng mga ito.
Tiniyak din ng AFP na mataas ang moral ng mga sundalo upang tapusin ang kanilang misyon na i-neutralize ang bandidong grupo.
(Dante Amento / UNTV Correspondent)
Tags: AFP, ceasefire, militar at Abu Sayyaf