Pagdedestino sa mga pulis sa Basilan, hindi umano parusa kundi normal deployment policy ng PNP

by Radyo La Verdad | February 8, 2017 (Wednesday) | 1184


Dinepensahan ng Philippine National Police ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatapon sa Basilan ang mga pulis na may kinakaharap na kaso.

Ayon kay PNP PIO Chief PS/Supt. Dionardo Carlos, hindi maituturing na parusa ang ginawa ng pangulo sa mga ito.

Kasama sa mga ipadadala sa Basilan ay ang mga pulis na posibleng kasama sa umano’y pagtatanim ng droga base sa cctv na ipinakita sa Senado.

Kabilang din dito ang mga pulis lalo na sa sangkot sa nangyaring hulidap sa EDSA-Mandaluyong.

Sasagutin naman ng PNP ang pamasahe ng mga ito pauwi ng Maynila kung kailangan nilang dumalo sa pagdinig sa kanilang mga kaso.

Binigyang diin ng PNP na hindi na maaaring umapela ang mga pulis na ito dahil buo na ang deriktiba ng pangulo.

Para naman kay dating PNP Chief Sen.Panfilo Lacson, walang mali sa pagdedesiplina ng ginawa ng PNP sa kanilang mga pasaway na tauhan.

Samanatala, ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde sa ngayon wala pang pulis na nagpahayag na magreresign nalang kaysa ipadala sa Basilan.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,