Nobenta porsyento ng reforestation o muling paglago ng mga kagubatan, maging ang tropical forest ng Northern Panay at Boracay Island, ay dahil sa flying foxes o fruit bats.
Ang mga fruit bats o flying foxes ay kayang lumipad ng hanggang 40 kilometrong layo sa gabi upang maghanap ng pagkain.
Kinakain ng mga ito ang mga bunga ng mga puno at nilalaglag ang mga buto nito saan man sila pumunta na siyang nakakatulong sa paglago ng kagubatan sa isang lugar.
Sa Boracay Island ay mayroong tatlong klase ng fruit bats na naninirahan sa isla kabilang na ang golden crown fruit bat o flying fox, na sa Pilipinas lamang makikita at world-wide endangered o nanganganib nang mawala sa mundo.
Ngunit dahil sa pagputol ng mga puno at pagsira sa ilang bahagi ng bundok at kagubatan sa Barangay Yapak dulot ng mga pagpapatayo ng malalaking establisyementong panturismo, ang endangered species na flying fox ay lalo pang nalagay sa panganib.
Ayon sa ulat ng grupong Friends of Flying Foxes Boracay, mula sa bilang na 2,997 noong 2016.
Bumaba na sa humigit kumulang sa 1600 ang bilang ng mga flying foxes sa Boracay ngayong taon.
Tanging 16 na porsyento lamang dito ang endangered species na golden crowned fruit bats.
Nakikipagtulungan ngayon ang mga environmental advocates sa isla upang maideklara ang ilang bahagi ng Boracay bilang critical habitat upang mapangalagaan hindi lamang ang mga fruit bats sa isla kundi maging ang likas na yaman sa Boracay Island.
( Vincent Arboleda / UNTV Correspondent )
Tags: Boracay, flying foxes
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com