Bukas ang pamunuan ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP na makiisa sa idineklarang unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA kahapon.
Ayon sa inilabas na pahayag ni NDFP negotiating panel Chairperson Luis Jalandoni handa silang makipagtulungan sa Duterte administration para matamo ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.
Inaabangan na din nila ang muling pagbubukas ng pormal na usapang pangkapayapaan sa Oslo, Norway sa August 20 hanggang 27.
Umaasa rin aniya ang grupo na agad na mapapalaya ang mga political prisoners matapos ang ceasefire declaration sa mga rebeldeng grupo.
(UNTV RADIO)
Tags: National Democratic Front of the Philippines, NDFP negotiating panel Chairperson Luis Jalandoni, unilateral ceasefire