Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang planong magdeklara ng Martial law.
Sa isang talumpati sa pagbisita sa Cabanatuan City kahapon, sinabi ng pangulo na sang-ayon siya na walang dahilan sa ngayon upang isailalim sa batas militar ang bansa.
Ngunit hindi nito inaalis ang posibilidad ng Martial law declaration kung magkakaroon ng banta sa seguridad ng Pilipinas.
Ipinunto rin ni Pangulong Duterte ang kapangyarihan ng punong ehekutibo sa pagdedesisyon sakaling magkaroon ng magkaibang pananaw sa isyu ang judicial at legislative branch.
Samantala, muli ring binanggit ng pangulo na itinataya niya ang kanyang buhay at pagkapangulo upang maresolba ang talamak na problema sa korupsyon at illegal drugs.
Ngayong hapon ay nakatakdang pulungin sa Malakanyang ang lahat ng gobernador sa bansa upang talakayin ang kampanya ng pamahalaan kontra droga.
(UNTV News)
Tags: gagawin lamang ng pangulo kung kinakailangan, Pagdedeklara ng Martial law