Hindi maitago ang tuwang nararamdaman ng mga Balangigan-on dahil sa Sabado ay darating na ang makasaysayang kampana sa kanilang lugar, isa dito si Aling Dacuno.
Kasama ang kaniyang lolo sa mga namatay sa pakikipaglaban sa mga sundalong Amerikano noong 1901.
Aniya, ang kanilang mga lolo ay nagbuwis ng buhay dahil sa nasabing kampana, kung kaya’t nagpapasalamat sila na maibabalik na ang kanilang kampana.
Si Mang Ador Decina naman na apo ni Capt. Valeriano Abanador na siyang nanguna sa mga Pilipinong guerilla laban sa mga sundalong Amerikano ay nagpapasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang mismong sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) noong 2017, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat isauli ng Amerika ang Balangiga bells dahil ito ay pag-aari ng mga Pilipino.
Maging ang estudyante naman ay nasasabik rin na makita ng personal ang mga kampana.
Sa ngayon ay nakahanda na ang seguridad sa lugar dahil inaasahang dadagsain ito hindi lamang ng mga Balangigan-on kundi maging ng mga turista.
Alas tres ng hapon sa Sabado inaasahang mai-tu-turn over na ang kampana sa simbahan ng Balangiga.
( Jenelyn Gaquit-Valles )