Pagdami ng illegal aliens sa bansa, inaaksyunan na ng Bureau of Immigration

by dennis | May 21, 2015 (Thursday) | 2002
Mga foreigners na nagpapasuri ng kanilang pasaporte sa mga immigration officials (File photo: UNTVweb.com)
Mga foreigners na nagpapasuri ng kanilang pasaporte sa mga immigration officials (File photo: UNTVweb.com)

Patuloy na tumataas ang bilang ng illegal aliens o mga foreigner na nago-overstay sa Pilipinas

Sa tala ng Bureau of Immigration, aabot sa 500,000 ang bilang ng illegal aliens sa ating bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Siegfred Mison, wala silang mata sa mga illegal aliens kaya humihingi sila ng kooperasyon mula sa mga mamamayan na isumbong ang sinumang foreigner na ilegal na naninirahan sa Pilipinas sa pamamagitan ng text.

Ito ay sa mga numerong 0908-8946644, 0932-8946644, 0917-5733871 kung saan magbibigay ang ahensya ng P2,000 sa bawat illegal alien na maisusuplong sa kanilang ahensya.

Nananawgan naman ang BI sa mga ilegal alliens na kusang pumunta sa ahensya upang hindi sila ma-deport at makasama sa blacklist ng ahensya.(Macky Libradilla/UNTV Radio)

Tags: , ,