Pagdakip sa wanted persons at gun ban violators, malaking tulong para sa pagdaraos ng mapayapang halalan-PNP

by Radyo La Verdad | April 29, 2016 (Friday) | 1677

PNP
Habang papalapit ang araw ng halalan, mas pinaigting ng Philippine National Police ang pagsasagawa ng gun ban arrest at raids upang hindi magamit sa karahasan ang loose firearms.

Sa tala ng PNP mula Enero hanggang sa unang linggo ng Abril, nasa 175 assorted firearms ang isinauli sa pulisya habang 204 naman ang naaresto sa paglabag sa election gun ban.

Ayon kay police regional director chief supt. Jose erwin villacorte, mas nabawasan ang kanilang pangamba na magkakaroon ng karahasan sa araw ng halalan dahil may naaresto silang 517 wanted persons bukod pa sa umano’y mga miyembro ng private armed groups sa rehiyon.

Plano naman ng pnp na magdagdag ng pito pang mobile patrol sa Samar upang mapabilis ang pag-responde ng mga pulis.

Nanawagan rin ang PNP ng kooperasyon sa publiko upang maidaos ang halalan nang tahimik at maayos.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , ,