Pagdagdag sa budget sa Mindanao, malaking tulong sa pag-unlad ng rehiyon

by Radyo La Verdad | July 24, 2018 (Tuesday) | 4371

Ikinatuwa ng mga Dabawenyo ang pagbanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) ang pagdagdag ng budget sa Mindanao Region.

Sa ikatlong SONA ng Pangulo, nangako itong bago matapos ang kanyang termino ay matatamasa na ng mga Mindanaon ang sarili nitong kita sa rehiyon.

Para kay Gerardo Cabrera, malaking tulong ito sa pag-unlad ng bawat mamamayan sa Mindanao.

Naniniwala naman si Merna Jabuc, tubong Mindanaon na tutuparin ng Pangulo ang mga pangakong aniya’y matagal nang napako sa mga nagdaang administrasyon.

Kabilang sa malalaking proyekto ng Duterte administration sa Mindanao ay ang Mindanao Railway projects, Davao City Bypass Roads at iba pang mga proyektong kabilang sa Build, Build, Build program ng Pangulo.

Sa ngayon ay inaasahan na ng mga Dabawenyo ang patuloy na pag-unlad ng Mindanao sa ilalim ng panunungkulan ng kanilang kababayan.

 

( Janice Ingente / UNTV Correspondent )

Tags: , ,