METRO MANILA – Muling pinaalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi pinapayagan ng batas na magdala ng baril ang mga barangay tanod at iba pang miyembro ng tinaguriang “Police Auxiliary Unit” (PAU).
Nakasaad sa Republic Act (RA) No. 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na ang authority ng mga police auxiliary unit na magdala ng baril ay binawi. Dating pinayagan ito ng Circular 2008-013 ng National Police Commission.
Samanatala, sa ilalim ng DILG Memorandum Circular (MC) No. 2003-42,maaaring gamitin ng mga barangay tanod ang nightstick with teargas with belt and holster, handcuff with holster, whistle, flashlight, raincoat, rain boots, small notebooks and ballpens, and first-aid kits.
Pumutok ang nasabing usapin dahil sa pamamaril ng isang barangay tanod sa isang curfew violator sa Tondo, Manila, Sabado ng gabi(August 6).
Pinaalalahan naman ni DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan E. Malaya ang lahat ng barangay tanod na manatiling kalmado sa pakikitungo sa mga curfew violator.
“While we want the public to abide by health protocols, hindi dapat pairalin ang init ng ulo at maging padalos-dalos sa pagpapatupad ng mga regulasyon. Ang lahat naman ay madadaan sa maayos na paalala at pakikipag-usap,” ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
Tags: barangay tanod, DILG
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com