Pagdadala ng bala, hindi krimen ayon sa hepe ng Public Attorney’s Office

by Radyo La Verdad | February 8, 2016 (Monday) | 2535

RODERIC_PAO
Hindi maituturing na ammunition ang isang bala kung walang kasamang baril dahil hindi naman ito puputok.

Ito ang paninindigan ni PAO Chief Atty Persida Acosta.

Kaya’t para kay Acosta, walang krimen at hindi dapat kasuhan ang mga pasaherong nahuhulihan o natataniman ng bala sa kanilang mga bagahe sa airport.

Una nang nagbabala ang PAO Chief na sasampahan nila ng kasong kriminal at administratibo ang sinomang magkakaso sa mga biktima ng tanim bala.

Ang opisina ng PAO ang kasalukuyang tumutulong sa mga pasaherong nabibiktima ng tanim bala sa NAIA.

Walumpung mga kaso ng tanim bala na ang hawak ng PAO at tatlumput dalawa dito ang na-dismiss na.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng preliminary investigation ang Department of Justice sa mga tauhan ng airport police na sangkot umano insidente ng tanim bala sa NAIA.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,