Pagdaan ng maliliit na truck sa EDSA, lilimitahan ng MMDA simula sa March 15

by Radyo La Verdad | March 13, 2017 (Monday) | 1493


Lilimitahan na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang pagdaan ng maliliit na truck sa kahabaan ng EDSA simula sa Miyerkules, March 15.

Inaasahang makatutulong ito upang maibsan ang problema sa trapiko.

Ayon sa MMDA, ang mga truck na may gross capacity na 4,500 kilograms pababa ang sakop ng truck ban.

Bukod sa EDSA, hindi rin papayagan ang mga light truck na dumaan sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong at Pasig City.

Magsisimula ang truck ban sa ganap na ala-sais hanggang alas dyes ng umaga, at alas singko ng hapon hanggang alas diyes ng gabi

Epektibo ito simula araw ng Lunes hanggang Sabado, at suspended naman tuwing araw Linggo at kapag holiday.

Tags: , , ,