Pagbuwag sa Regional Wage Board, isinusulong ng grupo ng mga manggagawa

by Radyo La Verdad | May 24, 2016 (Tuesday) | 1180

WORKERS
Hinihiling ng grupo ng mga manggagawa ang pagbuwag sa Regional Wage Board.

Noong Abril ay humiling ang Trade Union Congress of the Philippines ng P154 wage increase para sa Metro Manila workers subalit sa desisyon ng wage board noong nakaraang linggo ay P10 lamang ang idinagdag bilang cost of living allowance.

Ayon sa grupo, ang real value ng P481 ay mas mababa na kaya’t mas malaki sana ang kanilang inaasahan.

Mas mabuti rin anila para sa mga obrero, lalo na ang mga nasa lalawigan, kung magiging national setting na lamang ang pagtalakay sa magiging halaga ng sahod ng mga manggagawa upangmaging pantay na lamang ang wage increase.

Ayon sa grupo, kung hindi maitataas ang sweldo ng mga obrero ay maaari namang matulungan sila sa pamamagitan ng tax reform, pagpapababa presyo ng kuryente, pagbibigay ng subsidiya sa pamasahe, at price stability sa mga basic good.

Ayon naman kay TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, idudulog nila kay Presumptive President Rodrigo Duterte na mabigyan ang mga minimum wage earner ng gaya ng conditional cash transfer na nagkakahalaga ng P2,000.

(Rey Pelayo/UNTV NEWS)

Tags: