Pagbuwag sa private armed groups, isa sa prayoridad ng bagong PNP Region 9 director

by Radyo La Verdad | September 14, 2018 (Friday) | 2722

Limang aktibong grupo ng private armed groups ang patuloy na tinutugis ng Police Regional Office IX.

Ayon sa bagong talagang director ng PRO-9 na si PCSupt. Emmanuel Luis Licup, ang pagbuwag sa mga private armed groups sa rehiyon ang isa sa kaniyang tututukan.

Kabilang na rito ang grupo ni Jamilon Tukalan, Jahal Lamon At Kadju Tungayaw.

Karamihan sa mga ito ay nag-ooperate sa tinawag na Triple SB o sibuco, sirawai, siocon at baliguian sa probinsya ng Zamboanga Del Norte.

Sila ang responsable sa mga illegal logging, extortion, kidnapping at pagkatapos i-turnover nila sa Abu Sayyaf.

Aminado ang PNP na maaring gagamitin rin ito ng mga pulitiko sa lalo na’t malapit na ang halalan.

Bukod dito, binabantayan din ng pulisya ang isang aktibo at notoryosong criminal gang sa rehiyon ang Norjan Sandag Group.

Hindi bababa sa sampu ang miyembro nito na madalas gumawa ng karahasan sa lugar.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

Tags: , ,