Pagbuwag sa Contractualization ng mga empleyado ipinanawagan

by Radyo La Verdad | May 6, 2015 (Wednesday) | 1599

IMAGE_May062015_UNTV-News_ROY-SENERES

Linalabag ng Contractualization Scheme ang karapatan ng ilan nating kababayan nagtatrabaho sa ilalim nito.

Ito ang igiit ni OFW Partylist Representative Roy Seneres.

Kaya naman isinusulong nito na tuluyan nang buwagin ang maling sistema sa pagpapatupad ng Contractualization ng mga empleyado sa bansa.

Bukod sa malalaking korporasyon, ilang ahensya ng gobyerno ay lumalabag rin umano sa Labor Code na nakasaad na dapat bigyan ng security tenure ang mga empleyado.

Ngunit ayon sa DOLE, base sa batas ay hindi maaaring buwagin ang Contracting at Sub-contracting System ng bansa. At ang hindi lang daw pinapayagan ng batas ay ang tinatawag na Labor Only Contracting tulad nang tinatawag na 555 Scheme kung saan binibigyan lang ng 5 buwang kontrata ang mga empleyado at hindi na nabibigyan ng benefits.

Aminado naman si DOLE Labor Communications Office Dir. Nicon Fameronag na may mga lumalabag sa naturang Labor Policy ng bansa, ngunit nireresolba naman daw ito ng DOLE.

Sa katunayan ay naglabas na ng kautusan ang ahensya na naglilinaw sa kung ano patakaran sa contractualization. dahil dito, nabawasan na rin ang mga na lumalabag sa Labor laws ng bansa.

Sa issue naman ng job order ng mga empleyado ng gobyerno, patuloy na itong nireresolba ng pamahalaan.

Sa mga nagnanais naman na buwagin ng tuluyan ang contractualization, dapat ay amyendahan ng mga mambabatas ang labor laws ng bansa na nagpapahintulot ng contractualization.

Panawagan naman ni Seneres sa publiko na sa susunod na eleksyon ay pumili ng presidenteng may plataporma na buwagin ang contractualization sa bansa, upang mabawasan ang paglabag sa karapatan ng mga Pilipinong manggagawa. (Darlene Basingan / UNTV News )

Tags: , , ,