Iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng 25-member consultative commission na magsasagawa ng pag-aaral, konsultasyon at review sa mga probisyon ng 1987 Philippine Constitution.
Partikular na pag-aaralan ang mga probisyon na may kinalaman sa istruktura at kapangyarihan ng pamahalaan, local governance at economic policies.
Magmumula sa iba’t ibang sektor at itatalaga ni Pangulong Duterte ang mga magiging miyembro ng komisyon.
Una nang hinikayat ng pangulo ang Kongreso na simulan na ang pagbalangkas sa magiging sistema ng isinusulong na Federalism Form of Government.
Tags: iniutos ni Pangulong Duterte, Pagbuo ng panel para sa gagawing review sa 1987 phl constitution