Pagbuo ng fire lines upang maapula ang apoy sa Mt. Apo, patuloy sa kabila ng pag-ulan

by Radyo La Verdad | April 7, 2016 (Thursday) | 1424

MT-APO
Patuloy nang nagsasagawa ng fire lines ang mga volunteer upang tuluyang maapula ang sunog na kumakalat ngayon sa ilang bahagi ng Mt. Apo.

Sa kabila ng naranasang pag-ulan noong Lunes, sinabi ng Bureau of Fire Protection na fire lines ang ginamit nilang depensa upang mapigil ang pagkalat ng apoy sa bundok.

Ang fire line ay malaking puwang o barrier na maaaring mabuo sa pamamagitan ng paghuhukay at pag-aalis sa vegetation o mga pananim na maaaring maging fuel sa sunog.

Ayon kay Fire Chief Inspector Nestor Jimenez, mahirap apulain ang apoy dahil makapal na ang naipong mga dahon sa gubat.

(UNTV NEWS)

Tags: ,