Pagbuo ng departamento ng pangisdaan, ipinanawagan kay incoming President Duterte

by Radyo La Verdad | June 22, 2016 (Wednesday) | 1122

ILLEGAL-FISHING
Patuloy parin ang problema sa sektor ng pangingisda – ang isa sa may pinaka maraming mahihirap sa bansa.

Ayon sa ilang grupo, talamak na illegal fishing at overfishing ang ilan lamang sa mga matitinding problema sa naturang sektor.

Naniniwala ang mga grupo na upang maibsan ang mga problema ng mga mangingisda at karagatan, kailangan ng isang departmento na tutok dito.

Aniya, kulang ang kapangyarihan at kapasidad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na nasa ilalim ng Department of Agriculture.

Halimbawa bagamat may malaking budget na ito, kulang naman ito ng personnel na aabot lamang ng 1500.

Hindi rin kaya ng BFAR na ipatupad ang kabuuan ng inamyendahang fisheries code ng bansa na nagdadagdag ng trabaho para sa naturang ahensya.

Nanawagan din ang grupo na tutukan ang laganap paring hublot hublot at buli buli na isa illegal fishing.

Hinamon ng grupo ang duterte admin na humuli ng tatlong barkong nag-i-illegal fishing araw araw sa loob ng 100 days.

Kasabay nito, umaasa sila na magiging bukas ang Duterte admin sa pakikipagdyalogo sa kanila.

(Darlene Basingan/UNTV Radio)

Tags: