Pormal nang ini-endorso kay Pangulong Rodrigo Duterte ng Bangsamoro Transition Commission ang bagong draft ng Bangsamoro Basic Law kahapon.
Sa kanyang talumpati sa pagtitipon sa Malakanyang, muling ipinahayag ng pangulo ang buong suporta sa pagbuo ng isang Bangsamoro autonomy na naaayon sa konstitusyon.
Nais ng pangulo na maipasa sa kongreso ang panukala at ganap na maisabatas bago matapos ang taon.
Dagdag pa ng pangulo, mahalagang hakbang ang pagbuo ng Bangsamoro country upang tuluyan nang mawakasan ang deka-dekadang kaguluhan sa Mindanao.
Una nang ipinakiusap ni Pangulong Duterte sa kongreso na suportahan at madaliin ang pagpapasa sa BBL sa kanyang unang SONA.
Ngunit inabot ng halos isang taon ang pagbuo ng bagong Bangsamoro Transition Commission at pagbalangkas ng isang bagong draft bill.
(Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent)
Tags: Bangsamoro country, BBL, Pangulong Duterte