Nagsagawa ng forum ang ilang eksperto sa isyu ng maritime dispute sa West Philippine Sea upang pag usapan ang pagbuo ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Coalition.
Isusulong ang pagbuo ng koalisyon upang magkaroon ng multilateral response ang ASEAN sa mga isyu gaya ng South China Sea dispute.
Isang linggo kasi matapos ang arbitral ruling ng Permanent Court of Arbitration, wala pa ring inilalabas na joint statement ang asosasyon tungkol sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Deputy Director Murray Hiebert ng Southeast Asia program, nagkaroon naman ng draft statement ang sekretarya ng ASEAN subalit hindi ito opisyal na nai-release.
Dumalo sa forum si former Dept. of Foreign Affairs o DFA Secretary Albert del Rosario.
Ayon sa dating DFA Secretary, importante na magpalitan ng opinyon ang mga eksperto tungkol sa pagbuo ng ASEAN coalition upang maunawaan ang maiaambag nito sa kaisahan ng iba’t ibang bansa sa Southeast Asia.
Isusulong ang ideya ng pagbuo ng ASEAN coalition sa isasagawang ASEAN Ministerial Meeting mula July 23 hanggang 26 sa laos.
(Yoshiko Sata/UNTV Radio)
Tags: ASEAN Coalition