Pagbuhay ng death penalty, ihahain sa pagbubukas ng 17th Congress

by Radyo La Verdad | June 17, 2016 (Friday) | 1020

grace_biazon
Desidido si Muntinlupa Rep.Ruffy Biazon na panahon na upang buhayin muli ang parusang kamatayan.

Sa pagbubukas ng 17th Congress sa July 4 kabilang sa mga unang batas na kanyang ihahain ay ang pagbuhay sa death penalty.

Si Biazon ang pinakauna sa pila ng mga kongresistang maghahain ng panukalang batas.

Base sa draft bill ni Biazon ang papatawan lamang ng parusang kamatayan ay ang mga masasangkot sa illegal na droga gaya ng nakasaad sa orihinal na bersyon ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa panukala, sakop ng death penalty ang mapatutunayang gumagamit, nagbebenta, nagaangkat at protektor ng ipinagbabawal na gamot

Sakop rin nito hindi lang ang mga pilipino kundi maging mga foreign national na masasangkot sa droga dito sa bansa.

Ang pagbitay ay isasagawa sa pamamagitan ng lethal injection.

Paliwanag ni Biazon itinuon nya sa drug related cases ang dealth penalty dahil base sa kanyang pag-aaral may ilang preso ang nagbago sa loob ng koreksiyunal.

Subalit ang mga involve sa droga ay patuloy sa pagbebenta at paggamit kabila nang nakakulong na ang mga ito.

Subalit ayon kay incoming House Speaker Pantaleon Alavarez sa kanilang bersyon isasama nila ang mga heinous crimes gaya ng rape, murder at iba pa.

Target ng susunod na kongreso na ipasa ang pagbuhay sa death plenalty sa loob lamang ng isang taon.

Subalit ang makabayan bloc sa kabila nang sumapi na sa mayorya, tututulan parin ang death penalty.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)