Pagbuga ng abo ng Mt. Bulusan, posibleng maulit sa mga darating na araw — PHIVOLCS

by Radyo La Verdad | February 25, 2016 (Thursday) | 3057

ALLAN_BULUSAN-UPDATE
Ipinahayag Rudy Lacson ang Senior Science Specialist At Officer in Charge ng Volcano Monitoring and Eruption Predicition Division ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS na posibleng maulit ang pagbuga ng abo ng Mt. Bulusan anumang araw batay na rin sa kanilang obserbasyon.

Gayunpaman, sinabi ni Lacson na hindi mauuwi ang pagbubuga ng abo ng bulkan sa magmatic eruption dahil wala pa sa parameters upang magbuga ng magma.

Dagdag pa ni Lacson pinag-aaralan din nila kung tataas ang preatic explosion na nangyari noong Lunes.

Dahil dito, nanawagan ang PHIVOLCS sa mga residente malapit sa bulkan na maging alerto sa lahat ng oras.

Ipinaliwanag din ni Lacson na ang pagtaas ng bilang ng volcanic quakes sa Mt. Bulusan ay dahil sa nangyayaring re- adjustment sa ilalim ng bulkan.

Umaabot na sa 28 pagyanig ang nai-rehistro ng philvolcs sa loob lamang ng 24 oras.

Ngayon umaga muling magsasagawa ang philvolcs ng precise leveling sa dalisdis ng Bulusan.

Ayon sa ahensya, maghihintay pa ng ilang araw bago maipalabas ang resulta ng ground deformation at precise leveling kung namamaga na ang dalisdis ng Mt. Bulusan.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , ,