METRO MANILA – Pinagpaplanuhan ng Commission on Election (COMELEC) ang pagbubukas ng voters registration para sa May 2025 midterm election sa susunod na buwan.
Sa isang pahayag sinabi Comelec Chairman George Erwin Garcia maaring mag-umpisa ang pagpaparehistro sa unang Linggo ng Pebrero at tatagal hanggang Setyembre 2024.
Dagdag din ni Chairman Garcia na wala pang pinal na desisyon ang Commission En Banc sa schedule ng voters registration.
Nagpaalala din ang poll body noong Lunes (January 1) sa mga Pilipino sa ibang bansa na magparehistro para sa 2025 midterm elections.
Tags: COMELEC, voter registration