Pagbubukas ng mga trourist destination sa iba’t-ibang lugar sa bansa, pinaghahandaan na ng DOT

by Erika Endraca | September 18, 2020 (Friday) | 2312

METRO MANILA – Nasa P8.5-B ang panukalang pondo ng Department Of Trourism (DOT) para sa 2021 na mas mababa ng P93M kumpasa sa budget ng kagawaran ngayong taon.

Ayon kay DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, malaking bahagi nito para suportahan ang lokal na turismo.

Lumabas sa isang pag-aaral na posibleng umabot sa 78% ang mababawas sa kontribusyon ng turismo sa ekonomiya ng bansa pagdating ng Disyembre dahil sa epekto ng COVID-19.

Base sa survey ng DOT, 77% ng mga turista ay gustong maglakbay kahit wala pang bakuna kontra COVID-19.

Nakasaad sa 2020 Philippine travel survey report na nangunguna sa travel activities ang pagpunta sa beach, road trip at staycation.

Plano ng DOT na umpisahan ang pagbubukas ng turismo sa Region 1 at Baguio.

Ayon kay Secretary Puyat, kapag nagbukas na ang turismo sa Baguio City ay mag-uumpisa na silang tumanggap ng 200 turista kada araw subalit kaakibat nito ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols.

Marami na nag bukas slowly, awa ng Dios walang nagka covid.” ani DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat.

Palalakasin naman ang online trasaction para maging contact-less na ang booking sa mga hotel at iba pang pupuntahan ng mga turista.

Maglalagay din ng mga RT-PCR test units sa mga pangunahing tourist destination.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,