Pagbubukas ng DOLE 24/7 hotline, makapagpapabilis ng pagtugon sa mga problema ng labor sector

by Radyo La Verdad | September 6, 2016 (Tuesday) | 2800

AIKO_DOLE-HOTLINE
Sa paglulunsad ng 24/7 DOLE hotline kaninang umaga, isa si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga nagsilbing hotline assistance officer na sumagot sa katanungan ng isang caller tungkol sa mga patakarang dapat ipatupad ng mga kumpaya sa pagbabayad ng holiday pay.

Bukas ang DOLE hotline number na 1349 ay bente kwatro oras upang mabilis na makatugon sa pangangailangan at katanungan ng publiko partukular na ang mga mangagawa

Ang kagawaran din ang makikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya upang maipaalam ang nais malaman ng caller gaya ng mga katanungang may kaungayan sa SSS, PHILHEALTH at PAGIBIG.

Sa mga kababayan naman nating labas ng Metro Manila ay bukas ang DOLE hotline number for domestic call: 1800- 8888- 1349.

Magiging madali na rin sa ating mga kababayang OFW ang humingi ng tulong at tumawag ng libre sa DOLE dahil may hotline number for international call na: 800-8888-1349.

Anomang tawag na matatanggap sa hotline ay naka-record sa 24/6 e-recording at e-tracking management system

May apatnapung DOLE employees na magpapalitaN ng shift at tatayong call center agents upang umasiste sa lahat ng tatawag. Sasagutin ng kagawaran ang mahigit isang daang tawag araw-araw pati ang mga ilalapit ng ating mga kababayang OFW upang mas mapabilis ang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan at masagip ang mga pinangangambaang biktima ng anomang uri ng pang-aabuso ng kanilang mga employer sa ibang bansa.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,