METRO MANILA – Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbabalik ng Dine-In Services ng mga restaurant ng hanggang 50% capacity sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ).
Sa pagdinig sa Senado Kahapon (May 21), imungkahi ni Sen. Cynthia Villar na tingnan ang posibilidad nito upang magkaroon ng kita ang mga restaurant partikular na ang mga small and medium enterprise na nanganganib na tuluyang magsara.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, bibisitahin nila ang ilang restaurant at fast food chain sa sabado upang suriin ang pagsunod ng mga ito sa minimum health standards at protocol.
“Napakahalaga ng Dine-In. Sa ngayon ho nabubuhay sila sa take-out and deliveries. We were told na about 70% ang revenue na nanggagaling sa Dine-In.pagka tayo ay makumbinsi naman ho na safe po na kumain at mai-implement ‘yung minimum health protocol, we shall allow — We will endorse the opening of dine-in.” ani DTI Sec. Ramon Lopez.