Pagbubukas ng 420-megawatt Pagbilao power plant sa Quezon, pinangunahan ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | June 1, 2018 (Friday) | 4793

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ceremonial inauguration ng Pagbilao Unit 3 power project sa Pagbilao, Quezon kahapon.

Ang Pagbilao Unit 3 ay may kapasidad na makapagsupply ng 420-megawatt na karagdagang supply ng kuryente para sa Luzon. Halos isang bilyong US Dollars ang ginastos sa development at konstruksyon ng proyekto.

Ayon sa Pagbilao Energy Corporation, malaking karagadagan ang Unit 3 upang sapatan ang supply ng kuryenta sa Luzon sa mga susunod na taon.

Samantala, sa kanyang talumpati sa pagtitipon, inulit ni Pangulong Duterte ang kanyang deklarasyon na pagcoconvert sa Boracay Island bilang isang land reform area.

Ngunit ayon sa pangulo, maaari namang ilaan ng Kongreso ang isang bahagi nito para sa commercial use.

Una nang sinabi noong Myerkules ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go na ilalabas ng pangulo ang kautusan kaugnay sa pagdedeklara sa Boracay bilang isang land reform area sa lalong madaling panahon.

 

( Japhet Cablaida / UNTV Correspondent )

Tags: , ,