“Wala man akong narinig, walang nagsabi na magboboycott any of the commissioner. Trabaho po naming magpatakbo ng eleksyon.”
Ito ang pahayag ni COMELEC Commissioner Luie Tito Guia kaugnay ng umanoy iboboycott nila ang barangay elections sa Oktubre.
Paglilinaw ni guia, sa operasyon o pagpapatakbo lamang ng halalan sila hindi makikilahok upang matutukan ang pagresolba sa mga kasong nakabinbin sa 1st division.
Kasama ni Guia sa 1st division sina Commissioners Rowena Guanzon at Christian Robert Lim.
Ayon kay Guia, kung tutuusin kaya ng patakbuhin ng field officials ng COMELEC ang barangay polls.
Subalit, ayon kay Guia, kasama pa rin sila sa deliberasyon ng en Banc kaugnay sa barangay and SK elections gaya ng pag apruba sa budget at pagbili ng mga kailangang kagamitan para dito.
Samantala muli namang umapela kay Bautista si Guanzon na itakda na ang executive session upang maiayos ang problema sa pagitan ng mga miyembro ng COMELEC en Banc.
Ayon kay Guanzon, nais lamang niyang maiayos ang ilang polisiya na nakapaloob sa memorandum na pirmado ng 6 na commissioners laban sa poll chief.
Kinumpirma naman ng poll chief na nagpadala na siya ng sulat sa ilang commissioners na naglalaman ng kaniyang inisyal na mga sagot sa mga puntong nakapaloob sa memorandum.
Isa si Guia sa nakatanggap ng nasabing sulat.
Hinihintay naman ni Bautista ang magiging tugon ng mga naturang commissioners kaugnay dito.
(Victor Cosare / UNTV Correspondent)
Tags: barangay elections sa Oktubre, isang COMELEC Commissioner, Pagboycott
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com