Kinansela na ng pamahalaan ang nakatakdang pagpunta sa Pilipinas ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard upang mag-imbestiga sa mga kaso ng pamamaslang kaugnay ng kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.
Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na hindi na maaaring ituloy ng UN Rapporteur ang pagsisiyasat dahil hindi tinanggap ni Callamard ang mga kondisyon sa kanya ng Administrasyong Duterte.
Ani ni Yasay, walang indikasyon sa ngayon na susunod ito sa ibinigay na guidelines sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tags: hindi na matutuloy, Pagbisita ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard sa Phl, Sec. Yasay