Pagbili uli ng mga bagong bagon ng MRT, dapat nang ikonsidera ng DOTr ayon sa ilang Senador

by Radyo La Verdad | February 9, 2018 (Friday) | 3351

Kahapon ay muli namang nagka-aberya sa operasyon ng Metro Rail Transit o MRT3 kung saan napilitang bumaba ang nasa 800 mga pasahero sa Santolan-Annapolis Station northbound lane.

Dahil dito, pitong tren na lamang ang bumiyahe kahapon, kaya naman ayon sa ilang senador panahon na upang ikonsidera ng Department of Transportation ang pagbili muli ng mga bagong bagon at isauli na ang walang pakinabang na 48 Dalian trains.

Ayon pa kay Senator Grace Poe, dapat na ring desisyunan ng DOTr ang usapin ng maintenance provider ng MRT.

Nagkakahalaga ng 3.8 billion pesos ang apat na put walong bagon na galing sa China. 800 million pesos ay nabayaran na ng Pilipinas.

Hindi pa rin ito magamit dahil hindi ito tugma sa kasalukuyang sistema ng MRT.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Corrrespondent )

 

Tags: , ,