Pagbili ni CJ Sereno ng mamahaling sasakyan at pananatili sa mamahaling hotel, pasok sa graft and corruption – Solons

by Radyo La Verdad | January 18, 2018 (Thursday) | 2007

Sa pagdinig kagabi ng impeachment committee, kinuwestiyon ng mga kongresista ang naging proseso ng pagbili ng mamahaling sasakyan ni Chief Justice Maria Lourdes.

Ayon sa imbestigasyon, nagrekomenda umano ang opisina si Sereno ng brand ng sasakyan na gusto nitong bilhin na nagkakahalaga ng 5.1-million pesos.

Sa verified answer ni CJ Sereno, pinaliwanag nito na Administrative Order Number 233 ng Department of Budget and Management, ang chief justice maging ang presidente at bise presidente ng bansa, senate president at house speaker ay maaaring bumili ng mamahaling sasakyan para sa security purposes.

Depensa pa tagapagsalia ni CJ Sereno, hindi ito sapat na basehan para tanggalin siya sa pwesto. Pasok din umano sa katiwalian ang pagtanggap ni Sereno sa offer ng first class hotel na huwag nang bayaran ang dagdag na room accomodation sa kasagsagan ng 3rd ASEAN Chief Justices meeting noong 2015 sa Boracay.

Pero paliwanag ni Sereno walang kurapsiyon dito at mas nakatipid pa nga umano sila dahil hindi na nila kailangan pang gumastos ng pamahalaan.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,