Pagbili ng armas sa China at Russia, pag-aaralan ng palasyo

by Radyo La Verdad | November 3, 2016 (Thursday) | 921

duterte-01
Binalewala lang ni Pangulong Duterte ang balitang balak umanong harangin ng isang US senator ang pagbebenta ng Amerika ng assault rifles sa Pilipinas.

Ayon sa pangulo, bukas umano ang China at Russia na magbenta ng armas sa Pilipinas.

Katunayan aniya ay nagpadala na ng listahan ang China ng maaaring pagpilian ng bansa.

Iniutos naman ng pangulo sa army na pag-aralan ang posibleng pagbili ng armas sa mga naturang bansa.

Tags: ,