Pagbigat ng traffic sa Metro Manila, asahan na ngayong Holiday Season dahil sa pagdami ng mga sasakyan – MMDA

by Radyo La Verdad | November 15, 2022 (Tuesday) | 22111

METRO MANILA – As of November 10, 2022, nasa 398,000 na ang bilang ng mga sasakyan na araw-araw na bumabagtas sa kahabaan ng Edsa.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), halos katumbas na ito ng pre-pandemic level na umaabot ng nasa higit 400,000.

At ngayong holiday season mas madadagdagan pa ito dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa shopping malls pagsapit ng holiday rush.

Upang maibsan ang inaasahang matinding pagtukod ng traffic sa Edsa, nagpatupad na ng adjusted hours ang mga mall na may operating hours mula 11am hanggang 11pm.

Bukod dito, suspendido na rin ang excavation activity o paghuhukay sa Metro Manila hagggang sa January 6 upang hindi magdulot ng pagsikip ng trapiko ngayong holiday season.

Pero meron namang mga exception tulad na lang ng flagship program ng gobyerno na maaari pa ring ituloy ang construction.

Samantala nagpakalat na ang mmda ng ng mas maraming bilang ng mga traffic enforcer sa mga lugar na may matinding volume ng mga sasakyan.

(JP Nunez | UNTV News)

Tags: , , ,