Ikinagulat ni Senador Bongbong Marcos ang ginawang pagre-resign ni Bureau of Customs commissioner John Philip Sevilla ngayong araw.
Ayon sa senador, makatuwiran lamang na sabihin ni Sevilla kung sino-sino ang nasa likod ng political pressure na kaniyang isinaad na dahilan ng kanyang pagreresign.
Aniya, dapat malaman ng taumbayan kung bakit interesado ang mga ito sa mga key position sa Bureau of Customs.
Samantala, may mga umiikot na spekulasyon sa hanay ng mga taga-media na isang grupo ng relihiyon umano ang nasa likod ng political pressure at nilalakad nila na makapagpasok ng ilan nilang tauhan sa Customs.
Sinabi ni Senador Marcos na may ideya siya sa napapabalitang pressure sa ahensya pero gusto niyang malaman kung ano ang dahilan at bakit sila interesadong maglagay ng tauhan doon.
Ayon pa sa senador dapat na maimbestigahan ito ng Department of Justice.(Meryll Lopez/UNTV Radio)
Tags: Bongbong Marcos, Bureau of Customs, John Phillip Sevilla, Senate