Pagbibitiw ni VP Binay sa gabinete, walang magiging masamang epekto sa kanyang mga iiwanang ahensya- Malacanan

by Radyo La Verdad | June 23, 2015 (Tuesday) | 4030

SEC SONNY COLOMA
Wala pang nakikita si Pangulong Benigno Aquino III na posibleng papalit sa iniwang posisyon ni Vice President Jejomar Binay sa gabinete.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Junior, iiwanan ni VP Binay ang pagiging Presidential Appointee sa mga posisyon bilang Chairperson ng Housing and Urban Development Council at Presidential Adviser on Overseas Filipino Worker Affair.

Sinabi rin ng kalihim, walang dapat ikabahala ang publiko sa mga posisyong iniwan ng Bise Presidente, dahil si VP Binay lamang ang tanging nagbitiw sa pwesto at tuluy-tuloy pa rin naman ang serbisyo ng mga ahensiyang dati nyang pinamumunuan

Paliwanag pa ng Malakanyang, normal na proseso lamang ang ginawa ng Bise Presidente at gaya ng ibang Presidential Appointee, hihintayin ni VP Binay ang sulat na manggagaling sa Executive Secretary para sa kaniyang pormal na pagbibitiw.

Tags: ,