Pagbibigay ng ticket sa LRT 1 at 2, mano-mano muna habang pinapalitan ang ticketing system

by Radyo La Verdad | April 9, 2015 (Thursday) | 1238

images

Mano-mano ngayon ang pagbibigay ng ticket sa ilang LRT 1 at 2 stations habang pinapalitan ang proseso ng ticketing system.

Ayon sa LRT Authority, piraso ng papel muna ang ticket na ibinibigay sa mga pasahero habang inuubos ang magnetic cards. Ang value coupon ay dapat ingatan ng pasahero dahil P30 ang bayad kapag naiwala ito.

Sa pagtaya ng LRTA, posibleng sa Hunyo o Hulyo masisimulan ang paggamit sa Unified Ticketing System dahil sa susunod na buwan pa mabibili ang contactless cards na hindi na kailangang ipasok sa turnstile machines.

Hindi naman lubusang mawawala ang magnetic cards dahil may matitira pa namang turnstile machines.

Sa ngayon, kalahati ng mga gate sa kada istasyon ng LRT ang sarado para sa installation ng automatic service gates.

Mula April 8-14, pansamantalang sarado ang east wing ng Balintawak station at Roosevelt habang Northwest at Northeast naman sa 5th Avenue.

April 15-21 naman sarado ang Northwest at Northeast gates ng LRT sa Monumento, Baclaran, Edsa North at Central terminal.

Sa buwan ng Mayo, madaragdagan pa ang isasarang LRT gates dahil sa patuloy na pag-aayos para sa modernong ticketing system na posibleng magamit sa pasukan.

Tags: