Pagbibigay ng hustisya sa SAF 44, muling tiniyak ni Pang. Aquino

by Radyo La Verdad | January 26, 2016 (Tuesday) | 1966

PNOY
Muling binigyang pugay ni Pangulong Benigno Aquino the third ang hanay ng PNP Special Action Force sa serbisyo nito sa bayan.

Ito ang sentro ng kanyang talumpati lunes ng umaga kasabay ng programa kaugnay ng paggagawad ng parangal sa SAF 44 na nagbuwis ng buhay sa Mamasapano incident noong isang taon.

Kasabay nito, sinabi ng pangulo na batid niya ang pagkainip ng mga kaanak ng SAF 44 sa inaasam na hustisya.

Aniya, maging siya ay tila nababagalan na rin sa nagiging usad ng kaso.

Sa kabila nito, tiniyak ng pangulo na sisiguraduhin niyang mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng SAF44,

Nanawagan rin si Pangulong Aquino sa kongreso na suriin ang mga umiiral na batas na may kaugnayan sa pagpapanagot sa mga opisyal na nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin.

Ayon naman kay DOJ Acting Sec. Emmanuel Caparas, submitted for resolution na sa ang mga reklamong direct assualt with murder at theft laban sa 90 miyembro ng MILF, BIFF at private armed groups.

Maingat at patuloy itong hinaharap ng kagawaran upang matiyak na makakamit ang hustisya para sa mga biktima.

Sa lalong madaling panahon aniya ay maglalabas na ng resolusyon ang DOJ kung tuluyan nang isasampa sa korte ang mga kaso laban sa mga respondent.

Sa huli, nanawagan si Pangulong Aquino sa PNP na ituloy lamang ang kanilang pagmamalasakit at serbisyo sa bayan.

Tags: ,